Thursday, August 6, 2009

"Cory" Aquino


ngayon ay ika anim na araw mula ng mapaalam ang pangulong cory aquino. Isang araw matapos siyang malibing at 136 na oras matapos ko unang mapanood sa telebisyon ang pagpanaw ng isang simbolo ng demokrasya.

Isang taon matapos ang rebulusyon sa edsa, ipinanganak ako. marahil isa ako sa mga kabataang hindi masyado nakakaintindi kung gaano nga ba kahalaga ang mga nangyari. Iba pa din kasi sa aking pananaw ang masaksihan mismo ang mga pangyayaring hindi matatawaran kumpara sa pagbabasa ng mga istorya sa libro o telebisyon.

Nahubog ng mga libro, kwento ng magulang at mga istorya sa telebisyon ang pananaw ko sa edsa - kung bakit ito importante at kung ano ang sinisimbolo nito. pero sa kabila na lahat, meron pading parte ang hindi ko kailan man maiintindihan. marahil dahil nga sa katotohanan na wala ako nung edsa. wala ako nung mga oras na nabubuhay sa takot ang mga pilipino. wala ako nung nabuo ang pagasa ng mga pilipino pagkatapos ng pag paslang kay ninoy aquino. Wala ako, nung araw na nagtagumpay ang edsa.

Ngayon ko lang husto naintindihan ang lahat. sa pag panaw ng imahe ng rebulusyong ito, ibinalik tayong lahat sa kung ano nag nangyari dati. ng makita ko ang napakaraming tao sa kalsada, hindi ko kailan man inakalang masasaksihan ko pa ang ganon. Hindi ko rin maintindihan ang pakiramdam. tipong hindi ko alam kung namamangha ako o naninibago. hanggang sa maramdaman ko nalang na kahit wala ako sa EDSA nung nangyari ang lahat, Kaisa padin ako sa lahat ng pilipinong nagkaroon ng pagasa sa gitna ng kaguluhan. nakita ko sa pagpanaw ni Pang. Cory Aquino ang ilaw na minsang sinundan ng mga pilipino papunta sa tagumpay na tinatamasa natin hanggang ngayon.

Gusto ko din magpasalamat kay Pang. Cory Aquino gaya ng halos lahat ng tao. Hindi ko man siya nasilayan, Hindi man ako nakasali sa Edsa sa kasagsagan ng kanilang pakikipahlaban, Nagpapasalamat padin ako dahil sa kalayaan ma meron ako ngayon. Wala ng hihigit pa sa pakiramdam na malaya sa lahat ng mga bagay gaya ng pagsusulat at pagiisip ng mga bagay sa labas ng kahon kung nasaan tayo ngayon. Salamat sa isang adhikain na nabuhay sa bawat Pilipino. at higit sa lahat, salamat sa pag-asang muling binuhay ni Cory Aquino.

Sa kabila ng lahat, nananatili sa puso natin ang pagiging pilipino - may pagasa sa bawat problema at higit sa lahat, malaya.


“The ear of the leader must ring with the voices of the people.”

- Woodrow T. Wilson


2 comments:

Axel said...

Just like what Queen Elizabeth said... Queen of Democracy in the Philippines (if im not mistaken)...

Farewell and see you soon...

Anonymous said...

yup! but I hope not too soon:) hehe