hindi na ko nanood ng SONA. Inabot na din kase ako ng katamaran at kawalang interes sa kung ano man ang mangyayari ngayon. ewan ko ba at kung kailan naman walang pasok eh saka ko pa hindi pinanood. siguro dahil na din mas gusto ko nalang basahin ang SONA kaysa sinasabi ito ng personal.
Pangalawang taon ko pa lang sumusubaybay ng SONA sa buhay ko. at kung maaalala ko, nung huling SONA at poot at pagpapakitang gilas lang ang nakita ko sa gitna ng mga salitang binitawan ni gloria. mga salitang hindi ko alam kung tama bang sabihin. mga salitang nagbibigay tanong sa aking isipan.
pero ngayon, kakaiba ang naisip ko. magaling ang pagka gawa ng SONA ni gloria ngayon walang halong pagki-kritiko. makatao ang simple ang binitawan niyang mga salita. mga salitang hindi ko inaasahang mangagaling sa bibig ni PGMA. Binigyan nya ng pansin ng higit ang edukasyon na sana nga naman ay totoo. Humapyaw din ang sektor ng pagkalusugan at ang pinagiigting na ekonomiya ng bansa. Malinaw ang mensahe ni gloria - na hindi siya magpapatalo sa kung sino man. napakatapang na salita sa napakaliit na babae (Joke) hehe.
pero gayun pa man, sana lang ay totoong hindi na magpapatuloy sa pagtakbo sa pulitika si PGMA. gayun pa man, ito padin ang binabatikos sa kanya ng ibang mga senador at mga kongresista. SANA lang eh totoo ang pakay niyang iyon. hindi ako masyado nagpapadala sa mga sinasabi ng mga pulitikong iyan. wala sa administrayon o oposisyon ang solusyon sa mga problema kundi nasa ating lahat.
Ano man ang mangyari, naniniwala naman na ako ng bukas na ang utak ng mga pilipino. Bukas para makita kung ano ang totoo at bukas dahil alam kong natuto na si juan sa ilang beses nitong pagka lugmok sa putikan. Kung meron man katangian ang mga pinoy na hindi ko kailan man maipagpapalit ay ang hindi pag suko. sakabila ng lahat, kahit sino man ang umupo sa trono ni juan, mananaliti pa din sa mga pilipino ang pag-usad ng ating pulitiko.
naniniwala padin ako sa constitusyon na mayroon tayo ngayon. inaabuso man ito kadalasan, kahit papaano ay kaya padin naman natin ituro ang daliri natin kung saan papunta ang tagumpay.
Magandang gabi sa iyo! malayang bansa ng Pilipinas!
No comments:
Post a Comment