Akala ko noon kaya kong pagsabayin ang hamon ni juan sabay ng pagtatala ng mga natututunan ko sa blog na ito. AMF! ang hirap pala! hindi rin kase araw araw may kuryenteng dumadaloy sa utak papuntang mga daliri! kahit gustohin ko man, wala ring lumalabas. Ubos ang baterya! salamat nalang sa dalawang linggong pahinga dala ng simbahahang katoliko may oras muling iduktong ang mga naputol na kable ng kuryente.
Isang taong higit na din pala ang blog na ito. hindi ko man gusto eh tumagal na din ito ng ganito. akala ko pagdating ko sa petsang ito eh hinog na ko. pwede ng pitasin ng sinomang gustong kumain ngunit hindi pa pala. napakarami ko padin hindi alam sa buhay at gustong malaman. Iba na ang simoy ng hangin. Kung dati pumipito pa ako para dumating ang hangin, ngayon naghahanap na ko ng lugar upang hindi tangayin ng hangin. Madaming oras na nasayang. madaming oras na akala ko nasa tuktok na ko ng mount everest - ni hindi ko pa pala nararamdaman ang lamig ng himalayas. Madaming pagsubok, tagumpay, pagkakamali at alituntunin ang nakita ko ngayon taon - Higit sa inaakala ko kung ano dapat ako ngayon.
sisimulan ko na din isulat lahat ng naaalala ko ngayon 2009. para kasi pag tanda ko, ipapabasa ko nalang sa mga apo ko ang buhay ko. na minsan, naging basurero ang lolo nilang pogi.
Mapagpalayang Pilipino!
Magandang hapon!
(bakit kase naging Hapon (japanese) ang tagalog ng Afternoon? nakakailang tuloy isulat. Ewan!)
2 comments:
Happy New Year...
Happy new year din sayo Axel!=)
Post a Comment