Wednesday, December 30, 2009

TWENTY! AWWEEE! NINE!

Ang 2009 para saakin ay isa sa pinaka misteryosong taon ng buhay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero siguro, dala na din ito ng katotohanan sapagkat ito ang unang taon ko sa pagtatrabaho - 365 days completely out of school. Isang taon na walang baong natanggap sa magulang, isang taong ako na mismo ang bumubuhay sa sarili ko.



Gayon pa man, nais kong ipaalam sa iyo na sa taong ito ko nalaman ang:

1. Halaga ng pamilya lalung higit kung hindi mo sila nakakasama.

2. Kahalagahan ng pagkakaroon ng prioridad sa buhay - hindi lang pala ito parang identification na exam kundi parang essay contest. Kung wala kang ideang mabilis, maiiwanan ka ng mga kakumpitensya mo.

3. Kailangan mong matuto. Hindi ka kase hihintayin ng paligid mo. kung tatanga-tanga ka sa lahat, mamamatay kang tatanga-tanga.

4. Wag kang choosy! minsan sa sobrang tiwala mo sa sarili mo, nakakaligtaan mo ng tignan ang mga simpleng bagay. feelingero ka na pala hindi mo pa alam.

5. Kailangan mong kumita ng pera - Kahit ano pang sabihin nila, kailangan mo to dahil habang tumatagal, dumadami ang binabayaran mo sa credit card at utang sa nanay.

6. Masarap palang makakita ng bata. Natutunan ko ito kay Ethan Gabriel, ang aking pinakamamahal na pamangkin na nag selebra ng kanyang unang kaarawan sa 2009. Bunso kase ako. ngayon lang ako nakasubaybay ng lumalaking bata at masarap pala ang pakiramdam.

7. Relax ka lang. wag mong lokohin ang sarili mo. hindi porke pang matanda ang trabaho mo ay kailangan mo ng maging matanda. kung hindi, para kang ibong nakakulong sa hawla - iiyak ka nalang pag nakikita mo ang mga kasama mong ibon na masaya.

8. Napakaraming klase ng tao - At lahat na ata ng klase eh nakita ko. gayun pa man, umaasa padin ako sa mas marami pang personalidad na aking madidiskubre sa kinabukasan.

9. Hindi kita boss. At kahit boss kita, sana intindihin mo ako hindi yung sarili mo lang ang iniisip mo. Pramis ko sa sarili ko na pag ako ay nabigyan ng pagkakataong maging boss, itatrato kong maganda ang mga tauhan ko, mamahalin sila at pahahalagahan.

10. Masarap magmahal. pasok na dito ang pagmamahal sa pamilya, kaibigan at ang inyong labidabs. Ito ay tatlong mahirap intindihin na mga pangyayari. Naging mabait ang 2009 saakin dahil sa higit pang nadagdagan ang mga taong ito - Mas masarap mabuhay pag alam mong may mga kasabay ka. =)

11. Move on. Isipin mo ang sarili mo, ang kinabukasan mo. may espesyal na koneksyon palagi ang ngayon sa bukas. kaya kung may pagkakataon, wag kang titigil hangga't di mo nakukuha ang inaasam ng iyong puso.

12. Kaya Yan! Walang imposible. totoo nga naman na kahit malubog ka na sa tae, mahuhugot ka din sa kinalalagyan mo. Nagkaroon ako ng mga pagkakataong hindi ko na alam kung anong gagawin pero sa awa ng diyos, eto ako at sinasalubong ang bagong taon.

13. Tumulong ka sa kapwa. hihintayin mo pa ba ang pag-sakit ng iyong bewang bago ka tutulong? Baka sa panahon na yan eh imbes na ikaw ang tumulong ay ikaw na ang tutulungan.

14. Malakas ang Kabataan. Naniniwala ako sa kakayahan ng aking henerasyon. sana lang, maging mabait si juan dela cruz para matanggap nito ang mga bagong idea.

15. Hindi ka laging bida. bigyan mo ng tyansa ang iba upang kagaya mo, matutunan din nila ang dapat nilang matutunan. wag kang sakim dahil ang buhay ay hindi naman parang noontime show na sa pangalan mo kinopya.

16. Mahirap magpaalam. May mga bagay na sadyang mahirap kalimutan. tandaan mo nalang na ang mga bagay na ito ang magpapa-intindi sa iyo ng mga alituntuning hindi mo makikita sa mga hubad mong mga mata. Maraming salamat sa inyo.

17. Magsimula ka. dahil kahit anong kagustuhan mong matapos ang isang trabaho, hinding hindi mo ito makakamit kung hihintayin mo lang ang deadline. baka ma-minusan ka pa nyan sa huli.

18. Sobrang hirap kontrolin ng emosyon. Hindi rin naman pwedeng puro utak ang ginagamit. Kailangan mong matutunan ang tamang timpla ng buhay mo. sabi nga sa kungfu panda, "There is no "secret" ingredient".

19. Labanan mong maging bilib sa sarili mo. dapat mong matutunang tignan ang sarili mong kahinaan at hindi lang ang iyong lakas. Gawin mong opportunidad ang bawat pagkakataon upang magnilay sa kung sino ka ba talaga, kung anong gusto mo at paano mo ginagawa ang mga bagay-bagay. Itapak mo ang paa mo sa lupa ng mas malayo ang iyong marating. Ilalim mo ito sa lupa at hindi ka matitinag ng kahit anong bagyo.

20. WAG KANG PRANING. may solusyon lahat ng bagay. wag kang mag madali. wag kang "Know it all", wag kang inggetero, Wag kang petiks, wag kang LAHAT. Gaya nga nga isang awitin, may tiyempo palagi ang pagpasok ng mga lyriko nito. Aralin mo ito, at mas magiging maganda ang takbo ng pag kanta mo

21. Ikaw na ang magisip kung ano ang para dito. Dito kase nakalagay ang mga nalimutan kong aral.


Hindi ko man labis maintindihan kung saan ako napadpad ngayong 2009, masasabi ko padin na sa taong ito ako pinaka maraming nauwaan sa buhay.

sa pagpasok ng 2010, chill lang. Ano mang dagok sa buhay ko ang dumating, sana lang ay kayanin ko parin. tumatanda din pala ako. 3 taon nalang bago ko DAPAT maabot ang aking quota. Kaya yan! Ako pa!

Maraming salamat 2009. Isa kang dakilang taon para saakin at para sa napakaraming mga pilipino. Patnubayan nawa ng maykapal ang bagong taon para sa mas masagana, mas kapakipakinabang na kinabukasan.

Mabuhay ka 2010!

2 comments:

pogiboy said...

miss reading this... nice that ur back! :)

dumbero said...

Back from the dead!