Wednesday, July 15, 2009

Ahini,

I knew it.

Sobrang apektado kasi ni juan dela cruz sa simpleng sipon. nakalimutan na ata niyang may neozep at bioflu sa kabinet ng nanay nya. sa ilang araw na pagmamasid, naisip ko biglang magbenta ng disinfectant o kaya naman eh kumuntrata sa mga eskwelahan na magpapalinis ng kanilang pasilyo at silid aralan - ang lahat kung saan isa lang ang dahilan, Trangkaso.

Alam ko at naiintindihan ko na delikado at nakamamatay ang impeksyon na ito. Napaka dami na kung tutuusin ang ginagastos ng gobyerno sa sakit na ito, habang nananatiling halos 3 kada oras ang namamatay sa TB sa bansang ito. Mas nakakatakot kung tutuusin kaysa sa isang namatay sa trangkaso (trangkaso nga ba?). pero para saakin, hindi makatarungan ang pangyayaring ito.

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas ng malaman kong tatakbo palang senador ang sumagip sa lahat ng pilipinong si Sec. Duque. Ayus! syempre nga naman, mas maganda ng mailagay ang muka mo sa commercial, banner at poster laban sa trangkaso kaysa sa gumastos ka pa ng sarili mong pera para magpa-pogi. Habang ang lahat ay praning sa paghihintay ng balita, ang gobyerno nga naman ay ginagawa kung ano ang dapat.

Minsan iniisip ko na sana hindi nalang ako nabuhay sa pilipinas. pero naisip ko din na sana sila nalang ang hindi nabuhay sa pilipinas:)

Maghugas ka ng kamay baka mahawa ka sa flu ko. Binasa mo pa naman to.

5 comments:

Axel said...

Aba, totoo pala ang balita na tatakbo nga siya...

Pero kung mangyari man yun, baka hindi ko siya iboto dahil sa ginawa nyang ito... Masyadong hayok sa kapangyarihan ang mga tao nga naman...

dumbero said...

sinabi mo. ewan ko ba kung ano meron sa mga pinoy. sana lang nga malaman nila lahat ng kabalbalan ng mga pilipino - siguro kung magkaganon, unahan na talagang mag-iba ng bansa!!! hahaha!:)

Axel said...

Ahahaha, wag naman ganun...

Mahal ko pa rin bansa natin, ako na lang siguro ang tatakbo... hehehe...

Pero tingin ko naman wais na talaga karamihan ng mga botante ngayon...

dumbero said...

haha onga naman. salamat sa internet mas mabilis kumakalat ang impormasyon! haha!

Pwede! pag tumakbo ka tulungan kita sa campaign! hahaha!!:)

Axel said...

Ahahaha, sige asahan ko yan ah... lolz