Monday, June 15, 2009

Sarap!

Sa isang parte ng buhay, madaming pwedeng mangyari. iba-ibang angulo lang nga lang ang nakikita ng tao pero pag tinahi-tahi ang mga ito, isang malaking litratong wala rin namang pinagbago ang makikita.

ayoko ng tignan ang mga angulong ito. pinapakita lang kase na kahit ano pa man ang mangyari, wala kang magagawa sa kung anong meron ka ngayon. Isa ka lang sa artista sa palabas na ginagawa mo. minsan masaya, minsan malungkot, depende sa kung saan bebenta ang istorya mo.

Sa kabila ng lahat, malalaman mo nalang na nabubuhay ka pala hindi para sa sarili mo - nadala ka na sa istoryang kinakasama mo. akala mo ikaw ang gumagawa pero hindi - lahat plano. hindi mo maintindihan pero alam mong may direktor sa kabila ng lahat ng pag arte mo.

Napaka sarap mabuhay - at hindi mo ito mararamdaman sa simpleng pag hinga lang. kailangan mong maamoy lahat ng pinaka masangsang na amoy bago mo malaman na meron palang mabangong amoy. kailangan malubog ang isang paamo sa butas ng sa ganoon ay hindi na ito maulit. kailangan magsmula, kailangan magtapos.

kung sino ka man ngayon, utang mo yan sa kahapon na nagpaalala sayo kung bakit ka buhay - kung bakit mo nilalasap lahat ng polusyon na nalalanghap mo na siya ring sanhi kung bakit ka nahihirapan kang huminga.

No comments: