Thursday, January 1, 2009

Ang Ingeterong Blog Entry

Sa daming nagsulat tungkol sa pamamaalam nila sa 2008, naisip ko tuloy gumawa ng post na tulad nun - ang pagkakaiba lang, mailalathala na ito ng jan. 2 di kagaya ng mga post nung dec. 31 at jan 1. malay ko ba. ngaun lang ako dinalaw ng gana mag type at ngaun lang din nakapag internet. pero masasabi ko namang valid padin to dahil ngaun palang natapos ang huling ikot ng mundo sa 2008. (new year palang sa iba) kaya ayos na din.

masyadong naging komplikado ang 2008 para sakin. maraming pagbabago ang nangyari, maraming problema ang nagsisulputan at maraming masasayang bagay ang nangyari. gayun pa man, ganun padin dahil hindi naman ako naniniwalang may "NEW" year. bago lang ang taon sa kalendaryo pero ang enero hanggang disyembre, ganun padin. kung maniniwala kase ako sa "NEW" year, edi sana nagseselebrate din ako turing "NEW" month at "NEW" day kase kung tutuusin, magkakalebel din naman ang mga ito. pero syempre para hindi naman sabihin na elyen ako o aswang, new year na din!:) YEHEY!:)

Una sa lahat, naging masaya ang 2008 sa pagtatapos ko. syempre batch 2008 ako, june 2008 din ako nag take ng board exams. mga petchang nasa mga sertipikong natatanggap ko kaya imposibleng makalimutan ko ang taon dahil palagi itong tatanungin sa job application, resume, bio data at slum book. pero sa kabila padin ng lahat, masaya akong nakatapos sa tulong ng mga mahal ko sa buhay. Masarap palang maging isa sa pinakamaswerteng tao na nabigyan ng regalong edukasyon. Cliche pero totoo.

Pangalawa, Syempre ang transisyon ng pagiging estudyante sa magiting at matiponong propesyonal. heto na ata ang pinaka mahirap dahil dito nahuhubog ang gusto mong gawin sa buhay. mas pipiliin ko ba ang bagay na gusto kong gawin o ang sa kung anong meron? dagdagan mo pa ng "pano kaya?" at "shet". tama pala ang matatanda tuwing magsasabing dito palang magsisimula ang "tunay" na buhay. eskwelahan nga ang isa at ang isa naman at trabaho. dito, natuto akong magdesisyon sa sarili ko, piliin ang tama sa abot ng aking makakaya at ang sumayaw sa bagong tugtugin. sa una, dadapa dapa, pero gaya ng bata, matututo ring tumakbo. dito ka din makakakita ng mga pulang langgam na masakit mangagat, buhanging nakakapuwing at batong nakakatalisod.

Pangatlo, nagpapasalamat ako sa lahat ng natamasa ko. wala naman akong hinangad na para sa sarili ko pero may mga dumating na hindi ko inaasahan. hindi ko kailan man ninais na tumayo sa taas ng bundok. bilang manonood lang ayos na ako.

Pangapat, maraming umusbong na pagbabago. at isa dito ang pinaka hindi ko inaasahan:

BEFORE AFTER 1 YEAR

Ang Hindi inaasahang pagtaba. kung dadalawin ka nga ng mga tabang to ang tagal bago umalis, nagyayaya pa. hanggang ngaun, dumadagdag ang mga taba ko sa katawan sabay ng pagdami ng mga biktima ng paputok. ewan ko ba pero anong magagawa ko. sana lang talaga sa 2009, magbaligtad na ang mga litratong ito, ang MATABA* sa before at ang Sexy at Matiponong pangangatawan sa after.

*walang masama sa mataba. ang kalaban mo dito ay ang sarili mo hindi ang mga taong tumatawag sayo ng baboy.

Panlima na syempre ang ibat-ibang pangyayari sa buhay gaya ng pagkakaroon ng bagong kaibigan, bagong problema, bagong buhay, bagong kalilibangan, bagong tsinelas, bagong elektrik fan, bagong medyas bagong brief, bagong sapatos, bagong sando, bagong medyas, bagong toothbrush at madami pang bagong iba. pero syempre, kahit na gaano kabago ang mga ito, hindi kailan man nito matatalbugan ang kahalagahan ng mga lumang Tao, Bagay at pangyayari sa buhay ko.

Lucky 9 ang pinaka paborito kong sugal noong bata pa ako. sana lang nga manging LUCKY ang taon na ito para saating lahat. para sa dahilan lamang ng pagbibigay pagasa, ipinagdadasal ko na sana lahat ng taong may pangarap sa buhay ay makamtan ang hinihintay na tagumpay ngayong taon at para sa mga taong hindi padin alam kung ano ang tatahaking
karera, walang karera kung walang tatakbo.

MALIGONG BAGONG TAON!:)

4 comments:

Anonymous said...

baka madaan nga sa ligo yang taba na yan. hehehehh.

oks naman kahit medyo mataba, kyut ang dating.
hapi nu yir!

dumbero said...

@ Buraot

hahaha! walanjo SANA nga mawala yung taba sa pag ligo!:) hehehe:)

Hapi new Year din SAyo!

Anonymous said...

hhhahahah
*idol mo ba si bob ong?!?! in fairness,, natawa ko. may talent ka pala, sir!! hahaha * cguro, kung everyday ang pagligo, tanggal na ang taba mo ngyn! kaya: maligo araw araw :) peace. hahahhaa

Anonymous said...

RX Pharmacy Online. Order Generic Medication In own Pharmacy. Buy Pills Central.
[url=http://buypillscentral.com/buy-generic-brand-levitra-online.html]Discount Viagra, Cialis, Levitra, Tamiflu Pharmacy without prescription[/url]. Indian generic pills. Discount drugs pharmacy