Monday, February 2, 2009

Walang Kwenta


PRESS STATEMENT
January 20, 2009

Sa buong mundo, anumang araw na naganap ang isang “rebolusyon” ay ginugunita at ipinagdiriwang ng buong bansa ang katagumpayan nito.

Subalit bukod tanging sa Pilipinas, sa araw na ito na sinasabing naganap ang “edsa dos revolution”. Tila nakalimutan na ng lahat ang pangyayaring ito.

Marahil hindi makuhang gunitain ng bansa ang pangyayaring ito, dahil sa halip na mapabuti ay lalo lamang nasadlak sa walang kaparis na kadiliman ang bansa sa pagtitimon ng kasalukuyang bangkaroteng rehimen.

Maging ang mismong prinsipal na nakinabang sa “rebolusyong” ito na pamilyang Arroyo, ay ayaw itong ipagdiwang! Dahil lalo lamang makikita ang pagkakahiwalay nito sa mga Pilipino. Iniwanan na si Arroyo ng mga mismong nakipagsabwatan sa kanila. Kaya’t batid nitong sa halip na magamit ang “edsa dos” para sa pagpapakita ng pag-asa, alam nitong lalo lamang masasadlak sila sa isang depensibo at walang katapusang pagpapaliwanag at KAHIHIYAN!

Marami na sa mga naging bahagi ng madilim na pangyayaring ito ay nagsisisi at humihingi ng paumanhin hindi lamang kay Pangulong Erap kundi mismo sa masang Pilipino.

Marapat lamang na itala ang araw na ito na tinawag nilang “rebolusyon” bilang isang MALAKING PAGKAKAMALI AT KAHIHIYAN sa ating kasaysayan. Patawarin sana tayo ng mga kabataan at ng susunod na henerasyon.

JOSEPH VICTOR G. EJERCITO Mayor

++***++

PESTENG PESTE talaga ako sa entry na to. pasensya na alam ko Jan 20 pa ito pero sadyang biktima lang ako ng mabilis na paglipas ng oras at kakulangan sa teknolohiya sa oras na ito kaya naman masyadong naging mailap ang mga impormasyon na ganito saakin.

nagcomment ako ng medyo negatibo sa blog na to at syempre, binura nila yung comment ko. hehe malay ko ba pero sana may nakapansin. makikita nyo ang entry na to sa www.oppositeofapathy.wordpress.com

hindi naman sa suportado ko si gloria at ang mga kabalbalan nya. wala akong pakialam kay gloria kahit barilin sya sa luneta dahil sa mga kahibangang ginawa nya (na sa tingin ko malapit ng mangyari) pero teka, hindi rin naman siguro ito dahilan para magpadala sa kabilang panig na wala rin namang kwenta.

gusto ko laman I-react sa press release (press release nga ba?) na ito na napaka galing naman ni Erap at nagkamali talaga ang mga tao sa pagpapasibak sa kanya. ewan ko lang ha pero nangyari kase ito ng may isip na ako at sa pagkakaalam ko, wala rin namang pinagkaiba ang panahon na yon sa panahon ngaun. ang alam ko kasi noon, nasiwalat ang mga katarantaduhan ni erap sa madla - naging ugat para magpunta ang mga tao sa EDSA, nagpakagutom, para mapatalsik si ERAP - sa dahilang hindi sya karapat dapat mamuno sa bansang pilipinas at Hindi para palitan sya ni Gloria. Pakiramdam ko kase ng panahon nito, parang bonus nalang ang pagkakaupo ni gloria. dahil sa walang kwenta ang kasalukuyang presidente ng panahong ito, dibaleng palitan nalang sya ng bansot niyang bise.

naiinis lang kase ako dahil naniniwala padin ako na ang EDSA ay walang bahid ng pulitika. pilit lang itong pinapasok ng mga napakawalang kwentang mga taong akala mo sadsaran ng galing wala naman silang pinagkaiba sa isa't isa. nalulungkot lang ako sa mga batang maniniwala sa sinasabi ni JVE dito, na parang ang pagkakatanggal ng kanyang ama sa gintong upuan nito ay kamalian ng mga pilipino na sinasabi niyang dahilan kung bakit nagkanda leche leche ang pilipinas ngayon.

Marahil wala nga ako sa EDSA ng nangyari ito, pero ramdam ko sa mga panahong ito ang pinaglalaban ng mga tao - ang pagbabago na sana, maging leksyon sa mga mamumuno ang mangyayaring rebulusyon at para rin magising ang mga manloloko sa gobyerno (lahat sila) sa katotohanan na may taenga pa namang nakalawit ang mga pilipino kahit na nakapiring na ang mga mata nito. sa EDSA dos nagsimula muling mangarap ang mga pinoy na pwede pang malunasan ang sakit ng pinas, na sa kasalukuyan ay hindi padin nalalapatan ng solusyon.

nababuyan lang ako sa press release na to.

"Patawarin sana tayo ng mga kabataan at ng susunod na henerasyon."
- JVE

Walang kwenta!
- Karlo


No comments: