Sunday, November 16, 2008

First Publication

Ok Syempre gusto ko lang ishare. naalala ko lang. Isang araw naglalakad ako sa pasilyo ng aking pangalawang tahanan. sa mga oras na ito, meron lang ako dapat na I-ayos o asikasuhin na syempre ay nakalimutan ko na kung ano. Bigla na lamang akong nagulat ng tawagin ako ni Binibining Tin Ramorosa at pinasunod nya ako sa kanyang opisina. nung una, syempre natakot ako na baka pag pasok ko sa silid na yun ay hindi na ako makalabas o kaya naman, baka may kung ano nang ipapaalam saakin tulad ng "hindi ka pala graduate! may isang subject kang hindi nakuha".... Pagpasok ko, nagulat nalang ako sa hawak ng kamay niya. inabot niya ito saakin sabay sabing "O YAN! KOPYA MO!"



WHAT DA! napublish pala ang undergrad Thesis namen! malay ko ba! wala akong kaalam-alam na naipalimbag na pala ang librong ito. at syempre, napanganga nalang ako, napa lunok ng halos isang basong laway at napapikit sabay sabi sa sarili "BAKIT WALA AKONG KINITA DITO?" hahaha! ang kapal ng muka kala mo naman sariling libro pakyu!

sa mga ka grupo ko sa thesis na ito: Hurray!


*Sa mga ka Grupo ko na hindi pa nakakakuha ng kopya, aba kunin mo na sa Nursing Science Research Department sa Lobby ng St. Luke's College of Nursing. kung ayaw nyo naman na kunin, akin nalang at ma benta sa iba.


AYOS!

No comments: