Saturday, November 15, 2008

BRING ME!

Sino ba namang makapagsasabi na sa simpleng araw kung saan makulimlim, kung saan lahat ng tao ay masayang nag seselebra ng kaarawan ay magugulat ako sa isang bagay na hindi inaasahan. naka dalo ako ng isang Bertdey Parti kamakailan. masaya lahat. naghuhuntahan, nakagayak lahat ng mga bata na animoy dadalo ng debut ng kaibigan, kumakain ang lahat ng dumalo maliban nalang syempre sa mga bata na halos tumulo na ang laway kahihintay ng mga palaro. makalipas ang ilang sandali, nagsumula na sympre ang palaro.

Sinimulan ito ng pagpapakilala sa may kaarawan na sinundan naman ng pag patay nito sa kandila sa itaas ng mala-Spongha na tinapay na itinago sa ilalim ng tsokolate at may nakasulat na "Happy Birthday *****" napakasaya ng lahat! at ang mga bata, sumabay pa sa pag ihip at yung iba pa nga, halos agawan na ng probilehiyong makapagpatay ng kandila ang selebrante - ang pagkakataong isang beses lang dadating sa isang tao, nanganib pang maudlot. Yun nga ang naging hudyat ng pagsisimula na PARLOR GAMES! (Parlor?!?? hindi ko pa din alam kung bakit parlor? nagsimula ba ang mga larong ito sa loob ng isang parlor? o parlorista ba ang nag imbento ng mga larong ito? aba ewan.)

Unag laro - syempre ang Pasabit! sa mga hindi nag bertdey kailan man, ito yung parte kung saan may isang kawayang pinagdikit dikit upang maging parisukat ang loob at labas. sa pamamagitan nito, maaari kang maglagay ng mga pasabit dito na magsisilbing pa-in sa mga bata na naghihintay sa ibaba nito. Isinasabit ito sa itaas at hihila-hilain ng may control nito ang tali hanggang sa mag excite ng ma excite ang mga bata sa pag abot ng mga laman nito. (caution: Wag magyabang pag makiki-agaw sa premyo dito. naalala ko kase ng bata pa ako, humatak ako ng silya na malapit saakin at tumungtong ako dito para mas lalo kong maabot ang mga papremyo. pero ng hatakin ito ng mga batang kasama ko, hindi ko na nakontrol ang pagbaba nito dahilan para sumuot ang ulo ko sa isa sa mga butas nito. habang busy ang lahat kaka agaw sa mga nakasabit at sa iba pang bata - busy din ako kakatanggal sa ulo ko ng pesteng kawayan na to.) ng mahaltak na ang kawayan, kawawang mga bata at talagang kahit nakapatong o natatapakan na ang ulo nito, ayos lang, makakuha lang ng laruang plastik galing sa china.

Natapos na ang pasabit! Pumunta na sa BRING ME! aba! At Heto ata ang pinaka masaya! lahat kase kasali! at pakiramdam mo, lahat kakumpitensya mo. yung tipong kung pwede lang tumakbo ang magulang mo sa nagpapalaro, gagawin nya siya lang ang manalo. sa araw na ito, aba talagang mas lalo akong natuwa ang halos mahulog ako sa upuan ng sinimulan ang laro. Bring me Object no. 1: BRINGGG MEEEE...... Buhay na langgam! Yung Itim!! wawawawawaw! at nagtakbuhan ang lahat sa lupa at naghanap ng langgang na itim! at wala pang isang minuto, nagkaroon na ng Panalo! Bring me Object no. 2: BRRRIINGGG MEEEE.... Pustiso! nagtakbuhan ang mga bata sa kani-kanilang mga magulang! napaka galing na mga bata! halos awayin ang mahulang hubaring lang ang pustiso kaso walang magulang na naglakas loob! nakahinga ako ng maluwang. nalaman ko pa tuloy ang mga nakapustiso sa araw na iyon. Bring me Object no. 3: BRIIINGGGG MEEEE..... Bata na may pinakamabahong hininga! Ang mga bata, nagsi-amuyan ng mga hininga - siguro naisip nila sa panahong iyon na napaka importante pala ng makaroon ng pinakamabahong hininga. marami ang nasawi. wala namang gustong maging husgado sa kung sino ang may hawak ng titolo. natuwa lang talaga ako ng labis sa pagkakataong ito! halos maihi ako sa pantalon at halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa pagkaka magha sa napaka intelehenteng pag konsepto sa larong ito! pero sakabila nito, pag ako naging host ng larong ito, papaikutin ko lang sa pera, mamahaling relo, tunay na kwintas, singsing na may dyamante, pinaka malaking bato sa engagement ring at susi ng kotche ang hihingin ko sa mga bata. sabay takas para at manahimik na lamang at mag baging buhay.




WHAT the FACT!
true stories pala ito. nagyari sa lugar tatlong oras at kalahati ang layo sa manila noong Nobyembre 13 2008 sa ganap na 5:15 ng hapon. AYoS! ang konsepto pala ay naka copyright sa host ng palaro - walang anumang bata ang maghahanap ng Itim man o Pulang Langgam sa bring me. Pati ang Pustiso at Amoy ng hininga at mahigpit ng ipagbabawal sa lahat ng Bring Me na laro maliban sa may akda ng larong iyon. mag isip ka na lang ng bago - wag kang gaya gawa puto maya (Puto na, Maya Pa! What Da!!??? Ewan ko na!)

Happy Bertdey sa lahat ng may Bertday minsan sa isang taon!

Babay!


No comments: