parang kailan lang pasko pa ngaun pasko na uli. baka mamaya magulat nalang ako pasko nanaman. aatakihin nanaman ako ng pagiging SAD (seasonal affective disorder - ano nga ba to?). kaya naman hindi ako nagtataka na ito bagamat ang sinasabi nilang pinakamasayang SEASON at sa pananaw ng medisina, pinaka maraming NAMAMATAY na panahon dulot ng masyadong pagkabundat at pag kain ng mararaming taba. (Lesson: wala lang, kumaen ka pa din masaya eh) ito din ang isa sa pagkakaiba ng kristiano at muslim - ang muslim, nagdiriwang ng ramadan dahil nakayanan nilang mag pigil sa pagkain pero ang kristiano, heto na ang panahon ng pagtaba at pag ubos ng mga delata sa grocery dahil maeexpire na to next year.
sa ibang bansa, mararamdaman na ang lamig na tipong nakakapangtaas na balahibo (Ayon nga sa txt ni No*h: Grabe ang lamig dito friend! pati S*ng*t ko nilalamig! - peace tayo No*h), dito sa pilipinas malamig din yung tipong Grabe! ang lamig ng hangin ng electric fan! tanghali na ko nagising! ang SARAP! pasko na!!! sabay Kain ng SNOWBALLS sa kanto...
... Este squid balls pala. para kasing snowballs.nakalagay na din ang mga pang dekorasyon sa pasko sa SM at iba iba pang malls. at ang pinakamasaya, habang papalapit ng papalapit ang pasko, ayan na! present na ang lahat ng mga mandurukot, hahabol pang noche buena.
Ipapalabas nadin ang mga christmas special ng ABS CBN at GMA 7. idagdag mo pa ang na-usong Christmas ID commercial nito! Ahhh... napakasaya! pasko na nga!
pag inom mo ng Coke, pasko din! ang mga prutas, naglalabasan kahit hindi panahon, parami ng parami ang mga tao sa malls dahilan upang gumamit na ng tali ang mga gwardya para lang mapigil ang mga ito sa pag tawid!
Bubuksan na din ilang araw nalang ang GIANT Christmas Tree ng Araneta center at magsasayaw at magkakantahan doon ang iba't ibang mga artista. magkakaroon ng mga christmas gift giving, exchange gift at Kris Kringle.
mangagaroling ang mga bata at matatanda sa bahay mo - dahilan upang isara mo ang pinto, ipatay ang ilaw at mag kunwaring walang tao sa oras na iyon. magiiwan ng sobre ang mga basurero habang nagiiwan ng banta na Hindi namin kokolektahin ang basura ninyo pag wala kayong binigay. at syempre, magpapahuli pa ba ang mga aetas na bumibisita sa mga bahay nyo tuwing disyempre.
naka costume na din pala ang mga gwardya na parang si Santa Claus sa mga susunod na mga araw. iikot nadin sa mga malls ang mga Santa Claus para manghingi ng mga regalo - bayad sa tuwing magpapapicture ka! iseset na din ang petsa ng christmas party! at syempre, darating na din ang christmas bonus at 13th month pay na sakto lang para mabayaran mo lahat ng mga utang mo sa pag bili ng mga regalo sa inaanak at ulam sa noche buena.
hanggang sa huli, sa kabila ng pag gawa ng mabuti, pagpapatawad sa mga kaaway, pag suot ng pula at pag bati sa mga kaibigan sa pamamagitan ng txt umaga palang ng noche buena dahil traffic na pag gabi, malungkot ka padin. kase meron kang gustong hindi nakuha - bigla mo ulit naalala na sa kabila ng panahon ng pagbibigayan, selfish ka pa din pala.
napakahirap ng mga susunod na 62 days pero heto na ata ang pinaka mabilis na panahon, mabilis hindi dahil nahuli ka sa 3 days sale ng mga mall, kundi dahil sa araw mismo ng pasko, malalaman mo na may nakalimutan ka palang bigyan ng regalo - sabay rason nalang na nakalimutan mo lang sa bahay at ibibigay sa muling pagkikita.
pero sa kabila ng lahat, saludo ako sa pinoy dahil sabay ng pagdami ng tao sa mall, dumadami din ang mga tao sa sibahan, nandoon na ang mga himihingi ng pasasalamat at yung iba, humihingi ng paumanhin dahil sa araw na yun lang sya nakapagsimba, sa sobrang busy, nakalimutan na nya na meron pa palang simbahan. dagsa din ang mga kumukumpleto ng simbanggang gabi o 9 mornings, nagiipon ng lakas at pangarap na sana, sa susunod na pasko, dalawa na ang quezo de bola sa hapag kainan ipit ang isang mahaba at matabang alkansya na punong puno ng pera.
goodlak sayo sa pagaayos ng lahat ng mga dapat ayusin, tandaan mo lang na hindi magiging pinaka masayang pasko ang taon na to dahil darating yun sa mga susunod pang taon ng buhay mo. kase kung ito na ang pinaka masaya, baka patay ka na next year!
meri krismas!
PEACE!
No comments:
Post a Comment