Eto na ata ang pinakamalalang issue na sasagupain ng isang lalakeng namumuhay dito sa pilipinas o kaya naman, sige na nga, sa buong world.
Heto ang isang halimbawa:
naalala ko tuloy ang isang insidente noong grade six ako. CHRIS KRINGLE (tama ba espeling?) namin non. ang theme para sa linggong iyon ay "SOMETHING YUCCCKKYYY!" kaya naman kame, syempre, INIS dahil bukod sa mahirap humingi ng pera (ako: MAMA, PENGE PAMBILI NG SOMETHING YUCCKKYY!!! mama: ANO??!?? PALO!!!) eh napaka hirap pang maghanap ng ibibigay sa nabunot mong hindi mo kilala. hehe. kaya naman badtrip talaga ang mga ganito dahil magkikita lang naman kaming mag kakaklase sa iisang tindahan... ang BLUE MAGIC! hahaha! napakagaling ng gumawa ng tindahan na ito dahil kung gusto mo nga naman makahanap ng reregalo mo na hindi mo maisip isip, dito ka nalang pumunta. (WOW MAGIC!)
Sa araw mismo ng exchange gift, kaabang abang na talaga ang magiging reaksyon ng isang babae kong kaklase na nabunot ng kaibigan kong lalake. alam ko kase kung anong binili nya (NAGKITA KAME SA BLUE MAGIC) at ng nakita ko yun, smantala akoy musmos palamang, sabi ko "GAGU! HAHA LAGOT KA BAKA MAGALIT YUN!" sagot nya "ANO KA BA EH SOMETHING YUCKY NGA EH" haha sige lang ako...
Dumating na ang oras ng pagbukas ng regalo, nakita ng lahat ang regalo nya - isang condom sa loob ng salamin na may katagang nakaukit sa salamin nito na "break glass in case of emergency". (yuccky nga namaN!) Nagtawanan naman talaga ang buong klase ngunit sa kabilang banda, nagalit ang nakatanggap ng regalo, UMIYAK at nagsumbong sa principal - Pinatawang ang kaklase kong iyon sa OPIS, Patay. kawawa.
PEMINISM: paniniwala sa teyorya, hakbang at pelosopia tungo sa isyung pang kasarian na ang babae ay pantay sa lalake.
Oo nga naman, dahil ako din mismo ay sang ayon sa pagiisip na ganito. ano ba talaga ang dahilan kung bakit nabuo ang idelohiyang ito - nagsimula ito sa panahon ni kopong-kopong nung ang mga babae ay hindi pwedeng gumawa ng ibang trabaho maliban sa maglinis ng bahay. hiindi sila pwedeng magdesisyon dahil sila ay mga babae lamang at iba pa. totoo nga naman dahil ang babae at lalaki, bukod sa isang sistem sa katawan ay pareha na. pantay sa pag unlad, pamumuhay at sa prinsipyo.
pero minsan, nababali na ang tunay pinaglalaban ng katagang ito. siguro marahil ay hindi masyado naiintinhihan o sadyang wala ng ibang mahugutan ng rason ang mga babae sa tuwing may lalaki silang kaaway kundi ito.
palagi nalang maririnig na sinasabi sa mga lalaki ang mga salitang "Wala kang Galang sa BABAE! Bastos! Pwe!". pag nasabi na ang mga katagang ito, natatahimik na ang mga kalalakihan, magiisa, at sisisihin ang sarili dahil napakalaki ng kanyang nagawang masama.(panalo nga naman ang babae) pero di ba Pantay lamang ang lalaki at babae? (aba, aba, simula na ba ito na MASCULISIM? haha hindi naman.) dahil sa tuwing may malilit na bagay lang eh eto na nag rason. hindi ko naman masisisia ang lahat dahil ang ating bansa ay "PEMINISTA". Sa LRT o MRT palang eh ramdam mo na ang pagkakaiba ng dalawang kasarian - sa kabila ng mga hakbag ng mga tunay na peminista na gawing pantay ang adhikain at responsibilidad ng bawat tao mapa lalake man o babae.
kaya naman inaanyayahan ko ang lahat ng mga bebae dito na bigyan ng karapatan ang mga lalake. dahil sa sobrang dami ng mga ANDER DESAYA dito sa pinas eh malalagay na tayo sa Guiness book of world records. (WHY NOT?)
nasainyo na ang kapangyarihan dito sa mundo, wala ng kwestion ang pagiging pantay sa kapangyarihan ng mga bebae ngaun, kayo nalang ang dapat magbigay sa mga lalake. (haha under pa din!) PEace OuT! hehe
*Hindi ito pagtatanggol sa mga bastos na lalakeng nanghihipo at mga manyak sa LRT o saan mang lansangan - mga bastos talaga ang mga yan at dapat ikulong!
*sa mga babae; makapangyarihan ka, wag mo lang gamitin ng gamitin ang pribilehiyong ito para makasakit ng ibang tao - Great power come with great responsibility = NOSE BLEED
*Base lang ito sa mga karanasan ko na tipong matapakan lang ang mga paa ng mga babae eh sinasabihan na ako ng BASTOS! WALANG MODO! at WALANG RESPETO! - sa mga natapakan ko ang sapatos at paa, sorry.
*Buo ang respeto ko sa mga peminista at naniniwala sa kanilang ipinaglalaban. sana lang, hindi ito maging dahilan ng away ng bawat babae at lalaking nagsasama. dapat nagmamahalan lang lahat. kaya naman I love you! (kiss!! kiss!) TSUP! (s**!!! s**!!) .... ZZZzzzzz

No comments:
Post a Comment