Wednesday, October 8, 2008

nangati nanaman ang nunal ni gloria.



hindi ko wari maisip kung ano nanaman ang naisip ng ating superhero na si GMA!:) aba, siguro, dahil lumagpak ang ekonomiya ng bansang Amerika at dahil din siguro sa pagkakadiskubre na meron na ngang langis sa Palawan ay naisipan nitong magpalaya ng preso sa bilibid. dahil ba ito sa awa (pardon) o di kaya natatakpan na ng nunal niya ang kanyang paningin kaya hindi na nito nababasa ang mga papel na pinipirmahan niya.

sabi nga ng mga kamaganak ng presong ito "bigyan naten ng pagkakataon ang isang nagkasala na bumawi sa komunidad" aba! eh kung ganun naman eh Palabasin na lahat ng preso sa bilibid! bigyan naten sila ng pagkakataong bumawi sa komunidad kung saan sila naghasik ng lagim! ayan tuloy, sa sobrang saya nya sa pagpapalaya nya, naisipan nalang nyang magtago muna sa bahay ng pari.

napakagaling na stratehiya. wala ng katapat ang pangalawang babaeng presidente ng bayan ni juan. sana, sa susunod na eleksyon, manalo si victor wood para maiba naman o kaya naman iboto uli naten si ERAP. bigyan naten sya ng pagkakataong bumawi sa komunidad. tsk tsk. ang kapangyarihan nga naman.

1 comment:

Axel said...

Surfs up este down lang pala, pandak kasi eh... lolz