Thursday, March 3, 2011

whomustnotbenamed.

8:10 impunto ng gabi sa baraks.

Ilang araw bago matapos ang gera, malalaman mo na ang mga kasamahan mong sundalo din ang nagbebenta ng armas sa kalaban. parang kailan lang, parang kanina lang.

Bago ang lahat, sumilip nga pala ang AFP chief sa pinto. Sabay tingin. Tumango nalang - kakaiba, weirdo, asshole.

maraming unintelligent intelligence report sa kampo. kanya kanyang pasikatan, ayan tuloy, nagmumukang palenke ang hideout. Madumi, Mabaho, Masikip at Di-ligtas.

sabi ni boss, kanya kanyang oras lang yan. bida ka ngayon, bukas, hindi mo na alam. pag nangyari yon, paano na kaya? mahirap magpadala sa agos ng tubig. hindi mo alam, buwaya na pala ang nasasakyan mo. Nakakasuka. Nakakalunod. Nakakayamot.

Sa ganitong sistema, higit sa nuclear weapon at de-kalibreng mga armas ang kailangan. Paligo ang kailangan. Malamig na tubig nang magising sa katotohanan ang mga natutulog na daluyan ng kuryente sa katawan.

Mahirap intindihin ang kakulangan sa pag-intindi. Hindi pwersa o armas ang magpapabago sa mga tao kundi oras. Oras lang. Hanggat may natitirang buhangin sa iyong palad, yun at yun din ang iyong madadatnan.

Walang permanente sa mundo, hindi man ngayon pero bukas magsisimula ang pagbabago. ang araw lung saan ang bawat miyembro ng organisasyon mo ay masisilbing ilaw sa mga nawawalang kaluluwa - Walang ibanag mithiin, walang ibang nanaisin.


//xmcolkpparedes

No comments: