Thursday, December 30, 2010

Ang ingeterong Blog Entry 2010

Year 2 na ng pang-gagaya ko sa year-end blog entries. Dalawang taon na din na puro basura ang laman ng utak ko.

Para sayo 2010!

PROMISE KO SA SARILI KO: HINDI NA AKO MAG BABASA NG CHINESE HOROSCOPE PREDICTIONS!


2010 was never the best year for me. Sa kabila nito. hindi padin naman ito ang ISUSUMPA kong taon.

Ginulo ng chinese prediction ang buhay ko. Alalang alala ko pa ng pinaasa ako ng maliit na libro (na sinilip ko lang sa NBS - Bad Karma ata dahil hindi ko binili.) na nagsabi saakin na "SESWERTEHIN AKO SECOND AND THIRD QUARTER NG TAON". Linshak sa sobrang pagka praning ko at sa sobrang gusto kong I-Fast forward ang buhay ko sa second at third quarter, parang hindi naman ata nangyari. Hmm.

LESSON No. 1: WAG!!!! MANIWALA SA MGA CHINESE ASTROLOGERS*.

*Opinyon ko lang ito at hindi nito sinasalamin ang opinyon ng lahat ng mga Pilipino. Bahala kayo sa buhay niyo.

Pinaganda ng napakaraming pangyayari ang pamamasura ko sa dumpsite ko. Madaming natuklasan, Maraming mga nabubulok na bangkay ang itinapon ngunit hindi padin naman mawawala ang mga "Recyclable" materials na napadpad.

Isa na dito ang paborito kong fraternety. ang Sana Naging Ako fraternity. Ikaw na ang bahala. Isang magandang layunin na binaliwala o nabaliwala. Hinding hindi ko bibitawan ang paniniwala ko sa pagsuporta sa kung ano ang dapat. Ako padin ang pinaka masayang kasapi mo. sa mga naniwala bago ito mapunta sa dumpsite ko, saludo ako sayo. Kayo ang halimbawa kung bakit sinasabi na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Hindi ko inakalanag masisiyan ako maglakad sa naglalagablab na baga. Maraming salamat! Sana hindi kayo bumitaw sa isa't-isa at mas lalo ninyong makita kung ano talaga ang tunay at dapat.

LESSON No. 2: ANG TAMA AY TAMA. ANG MALI AY MALI. Wag ka ng magpaliwanag.

Sa kabila ng lahat, naging tahimik din naman ang panahon. Dumating ang oras kung saan natutunan ko na ding wag pansinin ang mga patay na katawan na itinatapon sa dump site ko. Nahirapan ako pero hindi padin ako tumigil sa pagkalakal dahil kahit anong gawin mo, Dumpsite ko padin ito at akin lahat ng basura dito.

LESSON No. 3: DO NOT REACT, RESPOND. Para sayo na nagsabi neto - Maraming, Maraming Salamat.

Dito natapos ang mapait na trahedya ng pag lutang ng bangkay sa basurahan. hindi pa naman ito ang huli, alam ko. pero sana, matutunan ko pa ang sining sa likod ng mga trahedyang kagaya nito. Naniniwala akong dadating din ang takdang oras ko. oras mo at oras nating lahat. kung kailan ang takdang oras? tanging ang nagtakda lang ang makakalam.

LESSON No. 4: HUWAG KANG EXCITED.

Isang nakakalungkot din na balita ang natanggap ko sa gitna ng taon. Isang linggo matapos ang aking kaarawan ay binawi ang isang kaibgan. napakabilis. Wala akong nagawa. Para sayo Noli, Maraming salamat sa lahat ng mga natutunan ko sa iyo. Mananatili ang aking layunin sa pagtulong. Hindi kailan man mapapalitan ang pinahiram mo saaking butas na tinelas at bisikletang walang preno. Saludo ako sa lahat ng sakrpisyo mo. Naway patuloy mong gabayan ang iyong pamilya.

LESSON No. 5: BLANKED. may mga bagay na hindi mo kailan man maiintindihan.

Marami pang nangyaring kakaiba at interesante sa taong 2010. napakaraming kwento pero iisa lang ang keyboard at dalawa lang ang aking mga kamay. Sa dumpsite na ito, mahirap mamili ng paborito mong basura. Yung tipong lilinisin mo at ilalagay na palamuti sa kwarto mo, o kaya naman eh yung ilalagay mo sa Zip Lock para ma preserve ang "freshness" ng amoy nito.

LESSON No. 6: WAG kang CHISMOSO. hanggang dyan nalang.

Sa pagtatapos ng taong ito, marahil ay naghihintay pa ang mas maraming klase ng basura. Kahit ano pa man ito, basta lagi ko lang tatandaan at LAGI MONG TATANDAAN.
PLEASE, RECYCLE.

May mga bagay na sadyang mahirap intindihin. gaya nalang ng pag tapon ng mga plastik sa biodegradable na basurahan. Gaya ng pagiging fossil fuel ng mga basura, sana ay makita mo din ang essensya ng lahat ng hindi mo naiintindihan.


Ito naman ang dapat kong makalkal sa 2011.

1. Dahon ng Laurel - Sabi ko sa sarili ko sa edad na 23 ay dapat meron na akong pangalawang diploma. 90% na ako sa marso. 100% bago ako mag 24. Sana, matupad ko.

2. Bagong Landfill - Gaya ng fossil fuels, may hangganan din ang dumpsite na ito.

3. Dagdag lisensya - Nang mas lumawak ang pwede kong pamasurahan.

4. Mineral water - Pamatid uhaw

5. Bagong Jokes - ang corny na eh! para masaya!


Maraming salamat sa lahat ng recyclables. Para sayo ang susunod na taon.


MALIGONG BAGONG TAON 2011!:)

2 comments:

Anonymous said...

i'm so proud of you! you're the best basurero! more power to you!

dumbero said...

HAHA! Thank you whoever you are! =) Happy new year!