Simula ng mamulat ako sa pulitikang pangkalusugan ay nakakabingi na ang isyu sa karagdagang budget sa pangkalusugang ahensya ng gobyerno. Pilit ko ring iniisip ang sagot sa tanong na ito - Dapat bang itaas ang budget? Malulutas ba ng pagtaas ng budget ang sampu sa pangunahing sakit ng mga Pilipino?Ito ang ilan sa aking ideya sa ilang taon kong paghahanap ng sagot.
Una. Ang Pilipinas ay salat sa konkretong plano sa kung ano ang dapat ng paigtingin na mga proyekto at kung ano ang hindi na kailangan. Hindi ko ito nasabi sa kadahilanang may alam ako sa pagpaplano ng programa kung hindi sa simpleng ideoligo lamang - Kung hindi mo alam ang kakulangan mo, hindi mo ito mapupunan kailan man. mas malalim na ebidensya at lohikong pagpaplano ng kabuuuang pangangailangang pangkalusugan ang kailangan. kung wala nito, ilagay man ang 50% ng budget at hindi padin malulutas ang problema. kumbaga sa cancer ni juan, para lamang itong Chemotheraphy - alamin mo na kung bakit.
Pangalawa. Hindi lamang national budget ang tutugon sa pangangailangang pinansyal ng sektor ng kalusugan. Dapat at bago kwestiyonin ang taunang budget na ito ay nasagot na ang mga sumusunod na tanong:
a. Anu-ano ang iba't ibang pondo na sumusuporta sa sektor ng kalusugan? (e.g. Philhealth, Budget mula sa LGU, magkano ang "Out of pocket" na gastos ng mga pilipino etc.)
b. Sa tingin mo, gamit ang addition at subtraction, national budget ba ang tutupad sa pangarap ng mga pilipino?
c. Kung hindi, ilista ang mga banko na pwedeng pangutangan at magkano.
Hindi ko din nalaman ang mga bagay na ito dahil sa malalim na pananaliksik. inisip ko lang, kung manghingi ako ng additional na baon sa nanay ko noon, tiyak na aalamin muna niya kung nagbibigay ba ng pera ang panganay kong kapatid. kung hule, walang dagdag, kung hindi, lusot.
maraming salamat mama.
Pangatlo. Walang proseso ang pag-gastos ng Pilipino sa salaping natatanggap nito. para ka lamang maghuhulog ng barya sa butas na alkansya. o kung di naman, sa alkansayang alam sungkitin ng bata mong kapatid. Sayang lang. masusing pagaaral ang dapat na pairalin ni juan bago nito malaman ang tuwid sa hindi, ang tama at mali, ang kulang sa sobra at ang pagdurusa sa ginhawa. Relaks lang! darating din tayo diyan.
Pang-apat. Hilaw ang mambabatas ng pilipinas. Paano ba naman matutugunan ang alin sa nasa itaas kung hindi ito papansinin ng mga taong may hawak ng batas - ang kongreso. Mas mabuti pa atang palitan na lamang lahat ng mambabatas - bago lahat! at baka mas maging interesante ang paksang ito kaysa sa hayden kho scandal at ang pag pasa ng batas para palitan ang pangalan ng public school sa distrito nila.
Pang-Lima. Naniniwala akong malayo pa ang lalakbayin ni juan para tuluyan nitong mapasakamay ang karapatan sa kalusugan. Sana lang, imbes na magsumigaw ang mga pinoy na dagdagan ang pera na napupunta sa sektor ng pangkalusugan ay buksan nito ang kaniyang mga mata upang makita ang mas malalim pang mga problema.
Ika nga, kung ihahalintulad natin sa puno ang isang problema, dapat natin itong tagain sa gitnang katawan at huwag sa mga tangkay nito kung gusto natin itong mapabagsak. kung hindi, paulit ulit nating matatamasa ang mga problemang tinatamasa ng ating pamahalaan. hindi dahil walang nagyayari kundi dahil hindi tayo natututo.
Ako na ang maraming sinabi. sorry na. sayang ang oras mo.
babayu
2 comments:
eh ang mambabatas mo ba may doktor o nars na kabilang sa lupon? parang wala yata. at ilan ba sa kongreso ang nars o doktor? kung meron man, ano ba naitulong nila sa pulitikang pangkalusugan? pakituruan ako. joke lang. kelangan natin ng kape para mapagdiskusyunan iyon. next time na lang. busy ka. haha.
Gaya nga ng sinabi mo, kailangan lang ng kape at masusing pag uusap sa paksang ito. Hehehe! yun na nga ang hirap sa mga mambabatas naten, walang doktor at nurse pero naniniwala padin ako na hindi mo kailangang maging doktor para malaman kung may sinat o may dugo sa ilong ang isang tao. kailangan lang, bukas ang tenga at mga mata. =D
Post a Comment