syempre, dahil sa walang title and blog na to,malamang wala din dapat laman ito. pero para lang masabing may laman ito, syempre nagtatayp ako ngaun. ewan ko ba pero parang wala akong maisip na isulat ngayong mga panahon na ito. siguro dahil wala naman ako nakikita pang kakaiba o kaya naman eh wala lang talaga ako gustong isipin. kaya naman dahil dito, natutunan ko ang mga bagay na ito:
Una, syempre mood-mood lang yan. kung ayaw mo, wag mo. bakit mo pipilitin ang saili mo? what for? para saan? ewan ko. pero sa tingin ko kase, lahat ng mga ginagawa ng tao may motibo. kaya kung walng motibo gaya nito, wala ding kwenta ang maiisusulat mo.
Pangalawa, masarap palang manahimik paminsan minsan. napaka mahiwaga talaga ng salitang katahimikan. pwede mo kasing gamitin ang katagang ito pag gusto mong mapagisa, magisip at mag pahinga. pero pwede mo din naman itong gamitin lalo na kung patay ka na. e.g., "ang tahimik, kaya pala kase patay na sya" hehehe o kaya "nasaan si karlo? ahhh eehhh nasa tahimik na syang lugar... ALAM NA!" hehehe
Pangatlo, kailangan pala talagang manahimik kahit paminsan-minsan. kumpara sa diskuhan, palakas ng palakas ang ingay, pahina ng pahina ang pandinig mo. masarap manahimik dahil dito mo lang mapapasin ang mga awit na hindi mo nadining noon. meron palang ganoon.
Pang apat, bumalik ka kung kailan mo gusto. wala naman naghihintay sayo, wala din namang pumipilit. ano ka VIP?
Pang Lima, hinga lang. sa kabila ng lahat, hindi ka man maging organisado ngayon, tandaan mong lahat ng yan ay parte ng pagbabago. marahil ngaun eh gulo2 ang utak mo, ito nalang ang tandaan mo: paano aayusin ang mga bagay kung hindi naman magulo? kaya magsaya ka dahil sobrang gulo mo, atleast, magkakaroon ka ng dahilan para ayusin ang buhay mo.
ewan. wala akong maisip na blog entry kaya walang kwenta lang itong entry na ito. gaya nga ng sinabi ko, kung walang motibo, walang mangyayari. walang itlog, kung walang manok. walang manok, kung walang itlog. ganun lang yun ka simple. kaya para sa ngaun, hanggang dito nalang.
maraming salamat!
sinulat lang para may magawa,
karlo paredes
2 comments:
wala pa bang maisip yan... hihi
napadaan lang!
:)
haha palusot lang yang wala talaga. hahaha
Post a Comment