Sunday, December 7, 2008

UNLOADING

nagsimula ang istorya ko sa hindi pagpasok sa marterals dahil sa sobrang katamaran - Wala din naman kase akong mamimiss kung aabsent ako kaya bakit hindi ako aabsent? Kung ikaw kaya nasa lugar ko aabsent ka ba? o papasok kaparin kahit na alam mong parang absent ka din kahit nasa loob ka na ng klase? ewan basta ako, hindi ako pumasok.

meron talagang mga bagay na kumakabit sayo kahit ayaw mo. sa sobrang nakakainis nito, tipong para kang si Angelica Panganiban na noon ay hindi matanggap ng mga tao na dalaga at sex symbol na sya kase nasanay ang mga tao na tignan syang bata. hmmm... bakit kaya? hindi ko din alam. minsan kase hindi natin namamalayan na sabay ng pagputi ng mga buhok natin, nagbabago din ang mga bagay sa paligid - hindi porke naiwan mo sa lababo ang pinggan mo, madadatnan mo uli itong nasa lababo. kase hindi mo namalayan, hinugasan na pala yun ng nanay mo. in short, sadyang merong mga pagbabago at unfair naman kung sasabihin mong kinupitan ka ng kapatid mo ngayong ninakawan ka na pala ng kaibigan mo.

mahirap maghabol ng mga pangyayari. biktima tayong lahat ng mabilis na pagbabago ng panahon. ng konsepto, idea at problema. dumadating ang araw na ang akala naten ay masaya na tayo, kuntento ng hindi mo namamalayang umuulit ka nanaman sa simula. pabalik-balik. nakakahilo. nakakasuka pero pag kinaya mo, masarap ipagmalaki.

"(KAIBIGAN) SHHEEETTT NAKAKATAKOT YANG SPACE SHUTTLE HINDI KO ATA KAYA!!! (IKAW) TANGA! HINDI KAYA! PAG PABABA NAPAKASARAP KAYA NA NG PAKIRAMDAM!! HEHEHE DUWAG KA JOLOGS!"

napakarami kong gustong mangyari. sa katitingin ko sa malayo, di ko namalayan na mabato na pala ang dinadaanan ko. buti nalang at may kompas na pilit ituturo sayo kung saan ang Hilaga sa Kanluran (kailangan lang marunong kang gumamit) at syempre, ang mga taong kasama mong naglalakbay - na makakapansin na nawawala ka na dahilan para hahanapin ka ng saganon ay marating mo ang lugar-patutunguhan mo.

wala na kong masasabi pa. dahil ano man ang pilit kong sabihin, sadyang nakalimutan kong tumingin sa compass. buti nalang, may nakasalubong akong mamang pulis na napagtanungan ko ng direksyon - at dahil dito, umaasa akong mapupuntahan ko din ang lugar na tinatahak ko=)

No comments: