Thursday, August 14, 2008

Every man's memory is his private literature. ~Aldous Huxley

Napadaan ako sa blog ni Erika ng makita ko tong mga larawan na to. di ko mapigilan ang sarili ko kung hindi mag nilay-nilay sa kung ano ako at kung paano ako nabuhay isang taon na ang nakalipas. nakakatawa!

Let me tell you how we work.



PASOK!



the "TITLE"
Well I really don't when and who put this label outside this door. The moment I stepped in the HSc Building (well since first year kahit na kase wala kameng klase sa building na to, dito kame umiihi - Gusto kase namin ma feel kung paano ang pakiramdam ng pumapasok sa HSc! hahaha!)



"The window TURNED Bulletin Board"

I remember when we first stepped into this office, aba, ginawan namin ito ng improvised White board - gamit ang materyales na nakuha namin sa opisina, (puting creep paper at plastic cover) ginawa namin. pero bandang huli, hindi nadin nagamit dahil dumidikit din ang tinta ng white board marker sa plastic pag nagtagal. hehehe.

However, this is where we communicate things na hindi na kasya sa bulletin board namin na wala masyadong nakalagay. gaya ng - mga listahan ng mga Utang ng mga batch, Mga Kailangan Tapusin at I follow up Etc.

Bintana din pala ito. this is where the Aircon from the offiice nearby enters our room... Ahhh, ang lamig - PAG TINAPAT MO YUNG ULO MO SA BINTANA pero pag hindi, salamat nalang at may electric fan.:)



"Shelves 1"

now from the window turned bulletin board, on your LEFT, ito ang tatama sa ilong mo. ang SHELVES (Obviously).

WHAT'S IN THERE?

Well sa Top Most part, dun nakalagay yung box ng printer namen - ang laman non, mga hiringilya (syringes) at mga gasa (Gauze) at iba pang laman ng tackle box. isang araw kase, hindi namin alam kung saan matatago ang mga ito ng hindi makikita well I think we really have found the right place - ang box ng printer. on its side are empty printer cartilidges (kala kase namin mabebenta), A Coral (hahawakan kase dapat to ni Nice sa filipiniana wear nya nung mr. and ms. trinity), a Trophy (nakalagay na to pagdating namin, ayaw namin galawin baka may sumpa), the famous Electric Fan and the box on the left side, mga jacket and SNA shirts from the previous terms:)
RIGHT TO LEFT ng upper shelves, Syempre ang SCRATCH PAPERS:) we are environment friendly kaya lahat ng mga lumang communication letters, mga risograph na kung ano-ano na dapat itatapon na, we put it there para naman maging scratch paper:) sa middle ay certificates and recognitions for the association and on the right are the REPLY SLIPS (oo, tinago talaga namin para pag may nagreklamo na magulang, mapapakita namin yung na-forge na signature nila. hehehe:))
Ang pinaka baba sa Left, YAN ang mga AKTIBONG communication letters. si Ako, Si Jessa Mae, at Si Erika ang palaging naghahanap dyan mga tipong (NASAAN NA YUN? KAKA PIRMA LANG ABA NASAN NA? yun pala, nilakad na ng isa. hehehe) sa Middle, ang NAPAKA gulong resibo ni angge (Pero kabisado nya lahat - ewan ko pero alam nya mga resibong yun pero magulo), Calculator at iba pa. at sa right, ang NAPAKA gulo ding gamit ni eka. basta magulo. hehehe

Syempre sa semento sa baba nito, a WALL TURNED Bulletin Board Uli.



"Shelves 2"

facing the window TURNED Bulletin Board on your right, dito tatama ang ulo mo. ang mga OLD FILES shelves. Dito kase nakatago ang mga lumang dokumento namin. lahat ng requirements, documentations ETC. sa taas nito ay mga bote ng mineral water, pang Spray ng tubig (Ewan ko kung bakit may ganito?!?? hehehe nadatnan na din namin pero nevertheless, masaya padin kase nagamit din namin pang spray kay JESSA MAE pag pumapasok syang hindi naliligo) mga lalagyan ng ART MATERIALS ng Arts Committee, mga Office Supplies etc.



"The COMPUTER"

Ito naman ang naiwan namin sa SNA. ang Computer request namin na hango din sa hirap ni chabz. hehehe (lalake kase mga nasa IT department kaya nung si CHABS na! ABA! A week later may COMPUTER NA! hehehe).
Sa paanan mo, mararamdaman mo ang langitngit ng isang bagay don - ang ICE BOX kung saan nakalagay ang mga chess board at kung ano anong mga bagay na lost and found gaya ng sapatos, damit etc. dito din nagtatago ng sapatos si Erika. pati na ang mga BARYA ni angelica tuwing madaming nagbabayad ng barya - Mabigat daw kase.
At syempre ang Printer!
Kaso bago mo magamit yan, huhukayin mo muna sa mga kalat sa table.




"TABLE ba to?"

OO table na parang sahig na puro kalat. kanito karami ang kalat sa dami ng ginagawa, wala ng oras mag ayos. our work back then is SERIOUSLY overwhelming.
Pero this is where we all get to know Each other - Dito naganap ang una naming meeting na well, I barely know them all. kahil na buong party namin ang nanalo, hindi kame magkakakilala. Strangers became friends ika nga. At dito yun nagsimula.
Dito din lahat nagawa lahat ng PLANO ng LAHAT ng aktibidad ng NURSING noong taong 2007-2008. Dito kame nagtatalo sa mga bagay na "ANO KA BA?!?? ALAM MO BA KUNG ANO SINASABI MO?", "WAG MO KONG INISIN!", "HINDI YAN MAGIGING EPEKTIBO!" at mga "ANO?!??".
Dyan din nakakatulog ang mga Opiser sa tuwing papasok sila ng may sakit. Sa sobrang sama ng pakiramdam, ipapatong mo lang ang ulo mo dyan, tulog ka na.
Dyan din lumapag ang Almost P2,000,000.00 na napaikot namin na pera.
Dito din nangyari ang mga BIDDING ng mga suppliers kung sino ba mas mura? Sino ba mas magnda? at sino ba ang mas magaling?
Dito din nagpirmahan ng mga CONTRATA. (contracts)
at marami pang iba.

++ Dito din pala nangyari ang BANGAYAN tungkol sa LANYARD ISSUE. Kasama namin ang supplier ng lanyard at iba pang mga taong involved. dito nasabi ang mga salitang "HINDI KAME MGA TANGA DITO!" at "HOW MANY EXACTLY DID YOU PRODUCE?", "THIS ITEMS ARE USED FOR THE BENEFITS OF THE STUDENTS! THIS IS A FUND RAISING PROGRAM AND YOUR USING IT FOR A PERSONAL REASON!?!??" Etc.



"DOOR CLOSED"

Yan ang view pag nasa Window ka. makikita mo and "post it" ng tatlong batch, BATCH AMARANTH(2010), INSIGNIS (2009) at MAGIS (2008).
At Syempre ang Pinto kung saan pumapasok at Lumalabas ang mga taong pumapasok sa opisina. (SYEMPRE)



"STORM"

Eto ang bulletin board namen. Sobrang ayos neto tuwing magsisimula sa activities. pero sa kalagitnaan at sa huli, ayan na sya. LAHAT NG NASA BULLETIN, AKTIBO - Ibig sabihin, dyan nakalagay lahat ng NAPAKA importante na permits, letters, etc.
Ang mga sulat na nandyan ay nakarating sa:
Dean of the College of Nursing, Deans of other colleges, sa GYM, sa OSA(office of student affairs), sa CSC(central Student Council), sa Guidance Center, sa office of Administration and Finance, sa Vice President of Academics, sa Liliw Laguna, sa University President at sa iba iba pang establishimento sa labas ng paaralan.
Pinto yan ng aming opisina tungo sa labas. kung san kame pinapayagan at hinihindian sa lahat ng mga pa-Utot namin sa SLCN.



Ito ang Buhay namin. magulo pero sa 10 square meters na kwartong yan nagmula lahat ng aming Natutunan, dyan din nagmula ang aming Pagkakaibigan at syempre dyan din namin pinagsasayahan ang aming bawat tagumpay. Dito ko din nakuha ang tiwala ng aking mga kasama at dito din namin nakuha ng sama-sama ang tiwala ng bawat estudtante ng St. Luke's College of Nursing - Ang Kolehiyo kung saan kame galing. Dito na kame nag-Ugat at kailan man hinding-hindi ko ito makakalimutan.

"AKALA KO MAGALING AKONG LIDER, HINDI PALA - DAHIL WALA AKONG MARARATING KUNG MAG-ISA LANG AKONG MANINIWALA." -AKO

Lahat ng ito syempre ay mula sa pinagsamasamang galing at talento ng mga taong bumuo at nagpatibay sa kaibuturan ng Student Nurses Association. Hindi ako naging mag-isa. Saludo ako sainyong Lahat.

Carmina Isabelle Sarmiento - Vice President
Frances Maria Erika Bautista - Secretary
Angelica Barro - Treasurer
Janis Fernando - Auditor
Jessa Mae Carino - PRO
Homer Balmes - Magis Representative
Mirma Aguilar - Insignis Representative
Austine San Miguel - Amaranth Representative
Jamine Cabel - Adviser

Ang mga Kaibigan na dumamay saamin sa gitna ng lahat.
Mark Anthony M. Concepcion and Paul Violeta - Arts Committee Head
Arts Committee Members
Arman Noob and Kristine Ramorosa - Socio Cultural Committee Head
Socio-Cultural Committee Members
Homer Balmes at Christian Lingan - Programs Committee Head
Robert Bautista - Ang Technical committee in one
Programs Committee Members
Review Committee Members

Mga kaibigan kong hinatak sa at walang magiisip na tumulong - Sina Ken Pinili, Gian Pentinio, Mean Pardinas, Joey Pasoquin, Nikki Pamittan, vinah patong, allan valenzuela, at marami pang iba - alam nyo kung sino kayo maraming salamat.

ang SNA 2006-2007

kay Eldon Agapito - Sports head
Sa lahat ng Sumali sa SportsFest ng SNA
sa lahat ng talento na nagpaligsahan noong SNA talents Night
sa mga Sumali sa Mr. and Ms. SNA

sa mga sumayaw nung Big Night!

Sa mga nakipaglaban para makuha muli ang "OVER ALL CHAMPION" na Nursing sa Intramurals, hindi man nagtagumpay lahat pero sa simpleng pag bibigay lang ng inyong sarili sa laban, panalo na tayo. TEAM No. 1 nga!

Nagpapasalamat din ako sa mga estudyanteng pumapasok ng "EXTRA" para magsilbi sa mga nangangailangan, sa aAnim na Medical Mission na nasalihan natin, Mraming Slamat! - Nurse ka nga.

ang dekana ng aming dalubhasaan, Prof. Gisela D.A. Luna - Hat's off to you.

Sa napakaraming iba pa, alam mo kung sino ka. utang namin sayo lahat to. kung hindi dahil sayo, wala kame. walang SNA at walang masayanag St. Luke's College of Nursing!

Ang sarap alalahanin dahil sa inyong lahat.

Ayos!


-Karlo Paredes
Naging Presidente
Student Nurses Association 0708
081408/02:30am


*mga larawan mula sa http://erika080.multiply.com/
** Hindi palaging ganyan kadumi sa opisina - Ganyan lang pag tuwing Sobrang Dami ng Ginagawa!


5 comments:

Jasmine said...

awwww! very well said Karlo, the BEST talaga kyo (",) It was so easy being your adviser, kasi di na kyo kelangang i advise kasi nasa inyo na lahat ang katangian ng mabuting student leader, you were all so enthusiastic about your work for the SNA without anything in return, everyone was focused and committed to excellence and welfare of the SNA members that's why love na love ni Dean Luna ang SNA 0708

(",)miss ko na kyo, kaso toxic toxikan lang ang sched ko (",) kasal ko nga impromtu eh hehehe!

Angelica said...
This comment has been removed by the author.
Angelica said...

nakakainis nakaka-touch..
in fairness, naluluha ako..
basta, nakakatuwa..
nasabi mo na lahat..
ang pinakamasaya naging magkakaibigan tayo lahat..=)
sa multiply, post mo rin ito..
hahahaha! malay mo maging box office hit din..=)

Anonymous said...

GALING KUYA.
winner.:)

dumbero said...

hehe wow thanks! thanks!:)